Company NewsMH Markets Umani ng Parangal bilang "Best Service Forex Broker Asia" sa Wiki Financial Expo Hong Kong 2025.
Aming ipinagmamalaki na kinilala ang MH Markets bilang “Best Service Forex Broker Asia” sa nakaraaang Wiki Financial Expo Hong Kong 2025. Binibigyan diin ng parangal na ito ang aming pangakong paigtingin ang lakas ng aming marka at pagiging una sa teknolohiya.
Mula pa noong 2019, ang MH Markets ay nagbibigay ng serbisyong sumasaklaw sa iba't ibang produktong pampinansyal sa merkado, kabilang ang CFDs, global stocks, indices, precious metals, at commodities. Nakatuon kami sa pagbibigay ng matibay, episyente, at ligtas na karanasang pang-trading sa parehong retail at institutional na kliyente sa buong mundo.
Ang expo, na ginanap noong Marso 27, 2025, ay nakatuon sa pagtuklas sa hinaharap ng Fintech. Isa ang MH Markets sa mga pangunahing tagapagtanghal sa naturang pagdiriwang, kaya’t nakatanggap kami ng maraming bisita sa aming booth. Malugod naming tinanggap ang iba't ibang mamumuhunan at mga potensyal na kasosyo, at ipinakita sa kanila ang aming malawak na kalamangan pagdating sa capital security, trading efficiency, at liquidity.
Dahil sa mabisang pakikipag-ugnayan sa expo, naging mas madali ang pagpapakilala at pagtataguyod ng mahahalagang bagong pakikipagkalakalan. Masinsinan din kaming nakipagtalakayan upang palawakin ang aming saklaw at pahusayin ang aming mga serbisyo. Ang aming partisipasyon sa expo ay hindi lamang nagpatibay sa aming posisyon bilang isang nangungunang broker kundi nagbukas din ng mga bagong oportunidad para sa paglago at tagumpay sa industriya ng pananalapi.
Ang expo na ito ay higit pang nagpapatibay sa posisyon ng MH Markets bilang isang nangungunang broker sa Asya at nagpapalakas ng aming paglago sa merkado ng Asia-Pacific. Sa hinaharap, nananatili kaming tapat sa aming mga pangunahing halaga—propesyonalismo, pagiging bukas, at kahusayan—upang bigyang-lakas ang mga pandaigdigang mamumuhunan sa pagbagtas sa patuloy na nagbabagong mundo ng pananalapi.
Tags:






